Mga Maaaring Pagkakitaan ng Babae sa Loob ng Bahay

Higit na mainam sa mga babae na manatili sa kanilang mga bahay kung wala rin lang naman silang mahalagang bagay na kailangang gawin sa labas. Subalit kahit nasa bahay ay maraming maaaring pagkaabalahan ang babae hindi lamang sa pagpapanatili ng kaayusan ng bahay at pag-aalaga ng mga bata. Maaari rin siyang kumita insha Allah kahit kaunti na makakatulong sa pangangailangan nila.

1. Kung mayroon kayong refrigarator o freezer sa bahay ay maaaring magtinda ng ice, ice water, ice candy, ice buko at ang nauuso ngayon na ube cream. Maaari ka ring kumuha ng tagatinda sa mga paaralan, park at palengke at bigyan mo na lang ito ng komisyon. Maaari ka ring magpa-whole sale kung malaki ang inyong freezer.

2. Kung marunong kayong magluto ay maaari rin namang magtinda ng hotcake na isa sa mga paborito ng Pinoy na pang-almusal o di kaya'y mga kakanin katulad ng suman, biko, kutsinta, puto at iba pa. Gayundin ay magluto ng mga ulam at gulay. Pwede ka ring tumanggap ng orders o magpa-cater or as usual ipalako mo sa iyong anak sa mga bahay-bahay, at pwede rin namang magbukas ng maliit na pwesto sa harap ng iyong bahay.

3. Kung marunong kang manggantsilyo, magburda at manahi kung may makina sa bahay. Isa rin ito sa mga maaaring pagkakitaan kahit madalas ay libangan lamang ito ng mga babae lalo na ng mga may edad na. Gumawa ng mga kurtina, sapin, basahan, punda, at kung may mas malaking puhunan ay manahi ng mga damit o mga abaya, belo, totob (kupya).

4. Maaari ring tumanggap ng labada ng kapitbahay at mas maganda ito kung mayron kayong washing machine para hindi gaanong mapagod at mas tipid sa oras insha Allah.

5. Kung medyo malawak ang iyong bahay at marunong mag-alaga ng bata ay maaaring mag-alaga ng ibang bata o magtayo ng maliit na day care center at doon ay hinahatid-sundo ng mga magulang ang kanilang mga anak.

6. Kung marunong magturo ay mas mainam din na mag-tutorial lalo't ang ituturo sa mga bata ay kaugaliang Islam, pagbabasa ng Quran at iba pang mga kapaki-pakinabang sa mga bata. Kahit isang bata lang ang maturuan ay malaking pakinabang na ito. Bagay rin itong ginagawa kapag summer lalo na't kung may kaalaman ka sa Islam ay magbukas ng summer Islamic class.

7. Kung marunong gumawa ng mga burloloy katulad ng mga kuwintas, singsing, hikaw at iba pa. O gumawa ng mga paper bag, headband, basket, gift souvenirs at mga native items. Kelangan lang ng kaunting training kung hindi marunong na maaaring matutunan sa intenet o sa TESDA.

8. Kung medyo techy ay maaaring magtayo ng online business at dito i-market ang iyong mga produkto lalo't marami kang friends sa Facebook.

9. Kung magaling sa graphics designing ay maaaring magdesign kahit nakaupo lang sa bahay.

10. Kung madalas kang online at geek ay pwedeng mag-blog, online marketing, web designing, writer, virtual assistant, translation at maging writer. Insha Allah ay makakahanap ka ng kliyente sa pamamagitan ng pagtatanung-tanong sa mga friends sa Facebook.

11. At siyempre pa, ang pinakamarami at nagkalat sa atin sa Pinas, sari-sari store. Ingatan lang ng babae ang pakikipag-tsikahan sa mga usaping walang saysay at ingatan din niyang maglantad sa mga lalakeng hindi niya mahram.

Ang mga nabanggit sa itaas ay hindi imposibleng lumago sa tulong ng Allah. Ilan sa mga nasa itaas ay nagawa namin ng nanay ko sa bahay, pati ng ate ko at ng misis ko, Alhamdulillah. Siyempre huwag nating kakalimutan na bilang babae ay ingatan ang sarili mula sa fitnah o makapagbigay ng fitnah sa iba. Maraming salamat po. Sana'y nakapabigay pakinabang sa ating ang post na ito. Kung mayron po kayong karagdagan ay maaari ninyong isulat sa comments sa ibaba. 

Jazakumullahu khayran fid dunya wal akhirah. :-)

2 comments:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  2. Easy to earn money. just go to the link below and register for free. I just earn 120$ as of now. no quota no registration fee you...Just clink this link for registration http://cashwork.xyz/?id=11444

    ReplyDelete